Sanay sa protesta ang bawat lider ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit hindi na ikinagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naganap na pagtitipon sa Vancouver sa gitna ng kaniyang official visit dito sa Canada.
Ang tanong na lamang ayon kay Communications Usec. Claire Castro, mayroon bang basehan ang isinisigaw ng mga nagpo-protesta.
“Ang tanong natin ay ang kanila bang sinisigaw ay may katotohanan, ang kanila bang sinisigaw ay mayroong basehan, kung ang kanila bang sinisisgaw ay talagang paninira lamang o walang dahilan kundi ibaba ang bansang Pilipinas sa mata ng ibang bansa.” —Castro.
Ayon sa opisyal, dapat na minamahal ng bawat Pilipino ang Pilipinas, at hindi dapat sinisira ang bansa sa pamamagitan ng pagsigaw ng mga wala namang ebisensya.
Hindi rin aniya dapat ibinababa ang bansa sa mata ng iba, kahit pa mayroong freedom of expression.
Ang hamon ni Castro sa mga nagpo-protesta, magtungo sa Ombudsman at pormal na magsampa ng reklamo.