Photo courtesy of Coast Gurad Distict Bicol
Nananatiling naka-heightened alert ang Coast Guard District Bicol (CGDBCL) at ang lahat ng coast guard stations at sub-stations nito sa anim na lalawigan ng rehiyon bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday.
Ayon sa CGDBCL, nakahanda ang 640 coast guard personnel, kasama ang 10 land assets at 14 floating assets, upang magsagawa ng agarang search and rescue operations at magbigay ng iba pang humanitarian assistance sakaling kailanganin.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang Coast Guard District Bicol sa mga lokal na pamahalaan at iba pang partner agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad at ng mga bumibiyahe sa karagatan.
Samantala, hinikayat ng CGDBCL ang publiko na manatiling mapagmatyag, subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin ng PAGASA, sundin ang mga abiso ng mga lokal na awtoridad, at unahin ang kaligtasan habang patuloy na nakaantabay ang Philippine Coast Guard sa pagtugon sa anumang insidenteng dulot ng masamang panahon.