Inatasan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng member agencies, Regional at Local DRRMCs at Office of Civil Defense na agad ipatupad ang mga paghahanda sa banta ng Super Typhoon Inday.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng pre-disaster risk assessment, pagmo-monitor sa mga lugar na posibleng bahain, paghahanda ng evacuation centers para sa vulnerable sectors, at pagpre-position ng relief goods, rescue equipment at response assets.
Inatasan din ang mga ahensya na tiyakin ang kahandaan ng responders, makipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard, at magpatupad ng preemptive evacuation, no-sail policy, at travel restrictions kung kinakailangan.
Ipinag-utos din ang pagpapaigting ng information drive upang matiyak ang maagap na paghahanda ng publiko sa bagyo.