Kasado na ang mga preparasyong inihanda ng pamahalaan para sa Super Typhoon Inday.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nasa high alert status na ang disaster response units ng gobyerno at kasabay nito ay ang pamamahagi ng mga Relief supplies sa mga maaapektuhang pamilya ng super bagyo.
Tuloy-tuloy din ayon sa PCO ang monitoring para matiyak ang agarang pagtugon sa mga komunidad na maaaring maapektuhan ng masamang panahon.
Base sa records ng PCO, nasa 4.775 milyong mga food packs ang nakahanda na habang nasa 364,283 na ready-to-eat food boxes at 271, 446 na non-food items ang nakalatag na para sa mga maaapektuhan ng malakas na bagyo.
Nasa ₱3.009 bilyong pisong halaga ng food packs ang inihandang pondo ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng mga posibleng matatamaan ng super typhoon.