Sa Pulilan, Bulacan ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga.
Sasadyain ng Punong Ehekutibo ang Pulilan Central School para pangunahan ang 2026 National Kick-off Based Feeding Program and Milk Feeding Activity.
Ito ay paglulunsad ng pamahalaan sa School-Based Feeding Program na naglalayong mabawasan ang malnutrisyon at mapabuti ang kalusugan at pagkatuto ng mga batang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.
Lead agency sa programa ang Department of Education (DepEd) sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA), kabilang ang Philippine Carabao Center at iba pang ahensya, upang matiyak ang sapat na suplay ng gatas at masustansyang pagkain para sa mga mag-aaral.
Makakasama ng Pangulo sina DepEd Secretary Sonny Angara at Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel.