Ibang posisyon o mandato bilang cabinet secretary ang pupunan ni Benhur Abalos sa papel na itinalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,
Paliwanag ni Communications Usec. Claire Castro, sa halip kasi na tumutok ang Cabinet Secretary sa mga miyembro ng gabinete, ang utos ng pangulo, mas tutukan ang mga ibinababang serbisyo sa bawat sulok ng bansa, at dapat na nararamdaman at tunay na nakakikinabangan ito ng taumbayan.
“Instead of a CabSec focus on managing the President’s Cabinet meetings, ang utos ni Presidente kay CabSec. Benhur ay siguraduhing nararamdaman at napapakinabangan ng bawat Pilipino ang mga serbisyo ng gobyerno.” -Castro.
Ang utos aniya ng pangulo kay Abalos, katawanin ito at magtungo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, upang tugunan ang concern ng publiko.
“President Marcos Jr., also directed him go around the country to represent him and call on the cabinet members to help address the concerns of the public. All these tasks are embodied in CabSec Benhur’s terms of references attached to his appointment.” -Castro.
Sa ganitong paraan, mas maraming lugar sa Pilipinas ang maabot ng administrasyon, at mas magiging mabilis ang delivery ng serbisyo para sa mga Pilipino.
“Ang tiwala ng Pangulo kay CabSec. Benhur Abalos ay buong-buo, kaya itong function na ito ang ibinigay sa kanya para mas mapalawak pa ng Pangulo pagsisilbi at makaikot si CabSec Benhur Abalos sa bawat rehiyon, para mas maramdaman nga ng bawat kababayan natin ang tulong ng gobyerno.” -Castro. | ulat ni Racquel Bayan