Nanawagan si Senate President Sherwin Gatchalian ng mas maigting na paghahanda at pagbabantay para sa bagyong Inday.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng maagang paghahanda at hinimok ang mga lokal na pamahalaan na gawing aktibo ang mga contingency measure, mag-preposition ng mga relief goods, at tiyakin ang kahandaan ng mga evacuation center.
Binigyang diin ng senate president na dapat maging maagap ang pagkilos para maiwasan ang mas malaking pinsala,.
Binigyang-diin niya na bukod sa kagyat na pagtugon, dapat ding pangmatagalan na ang solusyon sa pamamagitan ng Ligtas Pinoy Act, na nag-aatas sa pagtatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa.
Aniya, tuwing may sakuna paulit-ulit na problema ng mga apektadong pamilya ang paghahanap ng ligtas na matutuluyan dahil nasisira ang kanilang mga tahanan,”
Dagdag pa ni Gatchalian, may 3.745 billion pesos nang inilaan sa ilalim ng 2026 national budget para sa pagpapatayo ng mga evacuation center na ito.
Sa ilalim ng Ligtas Pinoy Act, ang mga evacuation center ay dapat itayo nang may kakayahan kontra sa lakas ng hangin ng bagyo na aabot sa 300 kilometer per hour. | ulat ni Nimfa Asuncion