Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Hindi paramihan ng score sa objection ang dapat maging batayan ng pagprisinta ng ebidensya at mga saksi.
Ito ang naging pahayag ng constitutional law expert na si Atty. Domingo “Egon” Cayosa sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Reaksyon ito ni Atty. Cayosa sa pananaw ng publiko hinggil sa mga objections ng prosecution at defense legal team sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte sa Senado.
Dagdag ni Cayosa na ang mga galaw, kilos, objections, at motions ng magkabilang panig ay bahagi ng kanilang propesyon at natural lamang sa isang paglilitis, kung saan kinilala nito ang galing ng prosecution at defense team.
Ayon pa sa constitutional law expert, ang impeachment trial ay hindi maituturing na administrative, civil o criminal case sapagkat mayroon itong sariling pinagbanasehan sa konstitusyon.
Ang mahalaga, ani Cayosa, ay kung mailalahad ba ang ebidensya at katotohanan.