PCG
Nakahanda na ang Deployable Response Group ng Philippine Coast Guard upang agad na makaresponde sa mga lalawigan na posibleng daanan at maapektuhan ng Super Typhoon Inday.
Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at iba pang kaugnay na panganib sa ilang mga lalawigan, partikular na sa Southern Tagalog Region.
Dahil dito naka full alert na ang pwersa ng PCG at nakaantabay ang mga tauhan, sasakyan, at kagamitan para sa agarang pagsasagawa ng search and rescue operations.
Nananawagan naman ang PCG sa publiko na manatiling mapagmatyag at regular na subaybayan ang mga opisyal na abiso hinggil sa lagay ng panahon. | ulat ni DK Zarate