Isinasagawa ngayong araw ang public consultation ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Calabarzon para sa magiging dagdag sahod sa rehiyon.
Ayon sa regional wage board, mahalaga ang partisipasyon ng publiko dito para makakuha sila ng mga pananaw, concerns at rekomendasyon kaugnay sa minimum wage adjustment.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P508-600 ang arawang sahod ng minimum wage earners sa mga rehiyon ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ito ay matapos ang pinakahuling wage hike na ipinatupad sa dalawang bugso noong October 2025 at nitong buwan ng April. | ulat ni DK Zarate