Pormal nang inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang integration ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Sa isinagawang programa sa tanggapan ng MMDA sa Pasig City, sinabi ni MMDA Chairperson, Atty. Don Artes na ang hakbang ay bahagi ng digital innovation para sa serbisyo publiko.
Sa pamamagitan nito, sinabi ni Artes na mas magiging accessible at convenient na para sa mga motorista na makita ang kanilang mga violation.
Gamit ang cellphone, kailangan lang pumunta sa eGovPH at i-search ang MMDA NCAP logo kung saan i-che-check ang rehistro ng sasakyan at plate number gayundin ang mode of payment.
Nabatid ang NCAP ay isang automated traffic enforcement system na gumagamit ng mga high-definition na CCTV at traffic cameras, para makuha ang mga paglabag sa batas trapiko nang walang pulis o traffic enforcer sa mismong kalsada
Ayon naman sa DICT, mahigit 1,000 govt services ang maaring i-avail sa eGovPH.