Screenshot
Muling isasailalim sa Yellow at Red Alert ang Visayas Grid, simula mamayang hapon hanggang gabi.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito’y dahil sa nananatili pa ring manipis ang suplay ng kuryente dulot ng pagbagsak ng ilang planta roon.
Batay sa abiso ng NGCP, ilalagay sa Yellow alert ang Visayas Grid mula alas-3 hanggang alas-5 ng hapon at alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Habang paiiralin naman ang Red alert status mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Nabatid na 10 planta sa Visayas ang bagsak habang may 14 na planta naman ang gumagana subalit nasa derated capacity o kulang sa suplay.
Ilan sa mga sanhi ng Red at Yellow alert ay ang hindi paggana ng pinakamalaking coal plant sa Visayas gayundin ang mataas na demand sa kuryente.