Photo courtesy of Cinemalaya
Masisilayan na muli ang mga bagong pelikula mula sa mga independent filmmaker sa nalalapit na 22nd Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na gaganapin mula August 6, 2026 hanggang August 18, 2026.
Sa temang “Reel Reflections,” bibigyan-diin sa festival ang mga kuwentong sumasalamin sa iba’t ibang realidad at karanasan ng mga Pilipino.

Siyam na full-length films ang napili mula sa 199 na isinumiteng entries upang makipagtagisan para sa prestihiyosong Balanghai Trophy, kabilang ang mga sumusunod:
- 2 Valid IDs – Ma-an Asuncion-Dagñalan
- A.Ni.Mál – Dustin Celestino
- Ganggang – JL Burgos
- Hand of God – Mark Duane Angos
- Kaka sa Yawan – Alpha Habon
- Mag-iina – Giancarlo Abrahan at Guelan Varela-Luarca
- Status: Rejected – Vahn Leinard Pascual
- Tayo Lang ang Nakakaalam – David R. Corpuz
- Tirik – May-i Guia Padilla

Samantala, napili mula sa 278 entries ang sumusunod na 10 short-film finalists upang maging bahagi ng festival:
- Elenita Elena Elaine – Gabriela Serrano
- Honey, My Love, So Sweet – JT Trinidad
- Hoy, Hoy, Ingat! – Norvin de los Santos
- Kung Paano Kakalas – Joseph Vitali
- Para-paraan – Mae Chan Li
- Runo! – Lysa Catolico at Jazmine Gin Pateña
- Silkscreen – Rey Anthony Villaverde
- Sorbetes – Jennissie Gilbuena
- The Keeper – Nolan Rae Fabular at TRNZ
- The River Flows in Different Places – Lot-lot Hermosura
Bawat full-length finalist ay tatanggap ng dalawang milyong pisong production grant, isang milyon mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at isang milyong piso mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), para makatulong sa pagsasakatuparan ng kanilang mga proyekto.
Gaganapin ang mga screening sa Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza bilang pangunahing venue, habang makakasama rin ang mga piling Ayala Malls Cinemas at Gateway Cineplex bilang mga partner venue ng festival.
Nakatakda naman ang awarding ceremony sa August 17, 2026, isang araw bago ang pagtatapos ng festival sa August 18, 2026.
Sa loob ng mahigit dalawang dekada, patuloy na nagsisilbing mahalagang entablado ang Cinemalaya para sa mga independent filmmaker sa bansa, na nagbibigay-daan upang mas maraming orihinal at makabuluhang kuwentong Pilipino ang mapanood at makilala ng mas malawak na publiko.