Photo courtesy of Caloocan LGU
Ininspeksiyon ni Caloocan Mayor Along Malapitan ang mga rescue equipment at pasilidad na gagamitin sa pagtugon sa posibleng epekto ng Bagyong Inday.
Kabilang rito ang rescue boats, rescue ropes, life vests, life rings, life-saving robot, emergency power stations, floating water pumps, communication radios, floodlights, at iba pang search and rescue equipment.
Sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), tiniyak ng lokal na pamahalaan na kumpleto at nakaantabay ang mga kagamitan para agad na makaresponde at makapagbigay ng tulong sa mga residente kung kinakailangan.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng inspeksyon at imbentaryo ang Caloocan City Social Welfare Development Department (CSWDD) sa mga nakaimbak na relief goods para matiyak ang sapat na suplay para sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng bagyo.