Pansamantalang binuksan para sa overnight parking ng apat na malalaking mall at establisyemento ang kanilang parking space sa harap ng inaasahang epektong idudulot ng Super Typhoon Inday.
Ito ang ibinahagi ng Malacañang sa harap ng nagpapatuloy nitong monitoring sa galaw ng sama ng panahon.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may ginawang hakbang si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes para mapakiusapan ang mga shopping mall na sanay buksan ang kanilang espasyo para sa overnight parking habang may kalamidad.
Hindi naman aniya nagkait ang mga ito, ani Castro, para ipagamit ang bahagi ng kanilang property na nagsimula na kahapon hanggang sa lumipas na ang bagyo. Ang malalaking mall companies ay ang SM, Robinsons, Ayala, at Megaworld.