Binigyang diin ng Palasyo na maaari ding mahulog sa Betrayal of Public Trust kung ang magiging batayan ng impeachment proceedings na gumugulong na ngayon ay para lamang iligtas ang isang personalidad.
Ito ang naging pahayag ni Palace Press Officer Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa harap ng natapos nang unang tatlong pagdinig para sa impeachment case kontra kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Castro, inaasahan ng taongbayan na magiging ayon sa rules and procedure ang ginagawang paglilitis sa Bise Presidente at ang desisyon ng mga hukom ay base sa ilalatag pang mga ebidensiya.
Binigyang-diin ng PCO official na kung ang mabibigyang bigat ay ang pagnanais na maabsuwelto o mailigtas ang nililitis sa kabila ng maraming ebidensyang posibleng magdiin dito ang mangibabaw, lalabas na ito ay pagtataksil sa tiwala ng taongbayan.