Suportado ng karamihan sa mga Pilipino ang mga hakbang na ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungkol sa alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa inilibas na survey ng Octa Research, lumabas na 66% ng mga Pilipino ay sang-ayon sa mga inisyatiba ng gobyerno at handang ipaglaban ang ating teritoryo.
Pagsusuri ni OCTA Research President, Prof. Ranjit Rye, karamihan sa ating mga kababayan ay alam ang isyu sa West Philippine Sea at alam nila na sa Pilipinas ito.
Aniya, inilabas nila ang resultang ng pag-aaral na ito upang malaman ng pamahalaan ang nais ng mga Pilipino.
Kanila rin itong itinaon sa paggunita ng ika-10 taong anibersaryo ng 2016 Arbitral Ruling na nagbibigay-diin sa sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea at sa hindi pagkilala sa nine-dash line claims ng China.