Kinilala ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang isa sa Top 15 Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na may pinakamalaking nai-remit na dibidendo sa national government sa ginanap na 2026 GOCC Day sa Malacañang.
Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na maayos na pamamahala ng pondo ng ahensya at sa mahalagang ambag nito sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.
Bukod sa pagbibigay ng dibidendo sa gobyerno, patuloy ding ginagamit ng PCSO ang kita mula sa gaming operations upang pondohan ang iba’t ibang programang pangkawanggawa, kabilang ang medical assistance, pamamahagi ng patient transport vehicles, pakikipagtulungan sa iba’t ibang institusyon, at iba pang serbisyong nakatutulong sa milyun-milyong Pilipino.
Sa kabuuan, umabot sa ₱147.15 bilyon ang naitalang dividend remittances ng 50 GOCCs ngayong taon. Mas mataas ito ng 29% kumpara noong nakaraang taon, na nagsisilbing dagdag na pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at iba pang serbisyong pampubliko.