Photo courtesy of Department of Labor and Employment Facebook page
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na may umiiral na batas para maproteksiyunan ang mga manggagawa.
Sa ambush interview, sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na may occupational safety and health.
Ito ang naging sagot ng kalihim sa tanong ng media kung ano ang posibleng paglabag kung sakaling piliting papasukin ang manggagawa sa kabila ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Inday.
Aniya, hindi dapat magdulot ng sakit o malagay sa peligro ang buhay ng manggagawa.
Batay sa Republic Act no. 11058, ang mapapatunayang lumabag sa occupational safety and health ay maaaring mag multa ang employer ng ₱20,000 -₱100,000.