Kasabay ng paghahanda sa ikalawang linggo ng impeachment trial sa Senado, patuloy ang pagbabantay ng Kamara sa bagyong “Inday”.
Ayon kay Prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng posibleng maapektuhan nito.
Aniya, hindi dapat maging kampante ang publiko at ang pamahalaan dahil malaki pa rin ang banta ng bagyo sa buhay ng mga mamamayan at sa mga komunidad na masasalanta nito.
Bagama’t magandang balita na humina ang antas ng Bagyong Inday mula sa pagiging “super typhoon” patungo sa isang regular na “typhoon,” nagbabala pa rin si Ridon na mapanganib pa rin ang epekto nito, lalo na sa mga baybaying-dagat.
Nanawagan sa publiko ang mambabatas na mag-ingat lalo na ang mga lalawigan na tatamaan ng bagyo at habagat.