Inihanda na ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas City ang rescue vehicles, emergency supplies, rescue boats, at iba pa para sa posibleng pagbaha dulot ng Bagyong Inday at Habagat.
Ngayong araw pinulong ni Las Piñas Mayor April Aguilar ang City Disaster Risk Reduction and Management Council para tiyaking nakahanda ang lahat ng rescue personnel sa lungsod.
Kasama rin na handang tumulong ang Bureau of Fire Protection at Philippine National Police.
Bukod naman dito pinagbabaklas na rin ang ilang billboard at signages sa lungsod upang makaiwas sa aksidente sakaling lumakas ang hangin, at ang City Social Welfare Development Office naman ay may mga naka standby nang relief goods kung kakailangan sa residenteng lilikas at mananatili sa evacuation centers.
May nakaantabay din na mga gamot, medical supplies, at health care personnel para sa agarang serbisyong medikal.
Tiniyak ni Mayor Aguilar, na handang tumugon ang lungsod sa ano mang sakuna. Hinihikayat naman ang mga residente na sumunod sa mga otoridad upang manatiling ligtas.