Photo courtesy of OWWA
Sa gitna pa rin ng umiiral sa sigalot sa Middle East, ligtas na nakauwi ang 97 na Pilipino mula sa Dubai, United Arab Emirste sa tulong ng pamahalaan.
Umaga ng July 10 lumapag ang Emirate flight EK336 sakay ang Overseas Filipino Workers na nagpasyang boluntaryong umuwi sa Pilipinas dahil sa gulo sa Gitnang Silangan. May mga ilan din sa OFWs na natulungan namang umuwi dahil sa iba’t ibang problema sa kanilang employment.
Ayon naman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pagdating sa bansa ay agad silang nabigyan ng food assistance, financial assistance at temporary accommodation para sa mga malalayong probinsya pa ang uuwian.
Tutulong din ang pamahalaan sa pagsasaayos ng kanilang domestic flights o biyahe para makabalik sa kani-kanilang pamilya.
Matapos naman nito, may inihahanda ding reintegration program ang OWWA kung saan mabibigyan ng livelihood assistance at iba pang tulong ang mga OFWs upang makapagsimulang muli.
Titiyakin naman ng OWWA na patuloy na poproteksyunan at susuportahan ang mga OFW upang muling makabawi pagbalik ng bansa.