Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling sapat ang suplay ng bansa ng Antiretroviral drugs kontra sa sakit ng HIV.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Albert Domingo, nakarating na sa bansa ang bahagi ng unang tranche ng Antiretroviral drug sa HIV na TLD at nakatakda na rin itong i-distribute sa HIV treatment hubs.
Lumalabas din sa naging monitoring ng DOH, na maging ang private treatment hubs ay may sapat ding suplay ng HIV medications kaya walang dapat ipangamba.
Babala pa ni Domingo sa mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news patungkol sa shortage ng HIV medications, na handa nila itong aksiyunan sa legal na paraan.