Bukas at tuloy-tuloy pa rin ang normal na operasyon ng mga paliparan sa bansa kahit pa nararamdaman na ang mga pabugso-bugsong ulan at hangin sa ilang lugar dulot ng habagat at Bagyong Inday.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), wala pang isinara o sinuspindeng mga operasyon ng airports dahil sa habagat o bagyo.
Wala pa ring kanseladong flights na dahil sa ulan o hangin.
Sa ngayon, ang nasa 91 flights na kinansela ng CAAP simula pa kahapon ay dahil pa lang sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Nakatutok naman ang CAAP para tiyaking normal at maayos ang flights at operasyon ng mga paliparan sa bansa.