Maghahain ng motion for reconsideration ang Department of Migrant Workers (DMW) sa Office of the Ombudsman kaugnay ng kasong inihain laban kay dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio at iba pang opisyal.
Ito ay na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang P1.4-bilyong land acquisition deal ng OWWA.
Sa pulong balitaan sa Mandaluyong City, sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac nakatanggap ang departamento noong July 7 ng resolusyong may petsang June 19, 2026.
Sa resolusyon, sinampahan si Ignacio ng kasong usurpation of official functions sa ilalim ng Article 177 ng Revised Penal Code, habang ibinasura naman ang reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, malversation of public funds, at plunder.
Sinabi ni Cacdac na hihilingin nilang repasuhin ng Ombudsman ang resolusyon dahil may mga detalyeng isinumite ang DMW hindi aniya ay natalakay.
“But what we plan to do is to file a motion for reconsideratio because, in our view, the resolution did not pass upon details that we submitted…” – Sec. Cacdac
Binigyang-diin ni Cacdac na tungkulin ng DMW na ihain ang motion for reconsideration upang muling mapag-aralan ng Ombudsman ang mga isyung kanilang inilahad.
Sinabi rin ng kalihim na may 10 araw sila para maghain ng motion for reconsideration sa Ombudsman. | ulat ni Diane Lear