Photo courtesy of Presidential Communications Office
Ginawaran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Order of Sikatuna si South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa.
Ito ang pinakamataas na diplomatic merit honor sa Pilipinas, na ipinagkakaloob bilang pagkilala sa mahusay na pagganap bilang diplomat, at foreign official sa pagpapalakas ng international relations.
Sa ginanap na farewell call sa Palasyo, sinabi ni Pangulong Marcos na ang ibinigay na order of sikatuna na mayroong ranggong datu o grand cross, ay para sa mga mahahalagang kontribusyon nito sa pagpapalakas at pagpapalalim ng strategic partnerhip at kabuuang relasyon ng pilipinas at korea.
Pagkilala rin ito sa maraming naimbag ng ambahador sa pagtaguyod ng high-level official dialogues at exchanges sa pagitan ng dalawang bansa.
Gayundin sa suporta nito at pagpapatupad ng maraming government-to-government cooperation agreements sa larangan ng maritime affairs, defense procurement, veterans affars, at law enforcement.
Naging tulay din anila si Sang Hwa sa matagumpay na kooperasyon para sa paglaban sa transnational crime, legal cooperation, agrikultura, infrastructure development at kalakalan at pamumuhunan, at iba pa.