Bunsod ng patuloy na mataas na kaso ng pambu-bully sa mga paaralan sa bansa, naghain ng panukalang batas si Akbayan Party-list Representative Chel Diokno upang palakasin ang kasalukuyang batas laban sa bullying at matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Inihain ni Diokno ang House Bill No. 10038, o ang Expanded Anti-Bullying Act, kasunod ng nakababahalang resulta ng 2019 Programme for International Student Assessment (PISA).
Base sa PISA, 65% ng mga estudyanteng Pilipino ang nakaranas ng bullying ilang beses sa isang buwan.
Muling pinatunayan ito sa 2022 PISA, kung saan 43% ng mga babae at 53% ng mga lalaki ang biktima pa rin ng pambu-bully~higit doble sa pandaigdigang average.
Ayon kay Diokno, mahigit isang dekada matapos isabatas ang Republic Act No. 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013, nananatili pa ring malaki ang problema sa pambu-bully .
Ito ay binuo bilang pagkilala rin sa mga bagong DepEd Order ngayong 2026 upang tuluyang mawakasan ang iba’t ibang uri ng pambubully sa bansa.
Ang panukalang ito ay isinumite ni Diokno katuwang sina Akbayan Rep. Percival Cendaña, Rep. Dadah Kiram Ismula, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.