Nasa 474 pamilya o 1,437 na indibidwal sa probinsya ng Negros Occidental ang nagsilikas dahil sa bagyong Inday.
Ito ay batay sa pinakahuling situation report ng Office of Civil Defense-Negros Island Region.
Sa 1,437 na indibidwal, 930 ang lumikas sa bayan ng La Castellana, 356 sa bayan ng Isabela, 105 sa Pontevedra at 46 sa bayan ng Moises Padilla.
Nagsilikas ang mga residente dahil sa pagbaha na kanilang naranasan sa kani-kanilang mga lugar.
Nagpaabot naman ng tulong sa pamamagitan ng hot meals ang mga lokal na pamahalaan sa evacuees.
Patuloy namang nakabantay ang Office of Civil Defense-NIR sa lagay ng panahon pati na sa Bulkang Kanlaon.