Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Labor Department Secretary Francis Tolentino ang mga programang magpapahusay sa kakayahan o kasanayan ng mga manggagawa gayundin ang wage increase.
Sa Palace Press Briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, na ginagawa na ito ngayon ni Tolentino kasunod ng nasabing direktiba ng Pangulo.
Bahagi aniya ito ng pagnanais ng Punong Ehekutibo na palakasin ang labor sector at pangalagaan ang mga manggagawang Pinoy.
Sinabi ni Castro, na batid naman aniya ng ahensiya na napapanahon nang paunlarin ang labor force ng bansa at mamuhunan sa employable skills para gawing future-ready ang Filipino workers.
Kabilang din sa nais aniya ng Pangulo ay ang palawakin pa ang Trabaho Agad Job Fairs, na target na makapagbigay ng libo-libong job opportunities sa mga naghahanap ng trabaho sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.