Inaasahang haharap ngayong linggo sa impeachment trial ang mga financial witness kaugnay ng mga transaksyon at ari-arian ng pamilya Duterte-Carpio.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni House Prosecutor Bicol Saro Rep. Terry Ridon na kabilang sa mga posibleng testigo ang executive director ng Anti-Money Laundering Council o AMLC.
Maaari ring humarap ang mga kinatawan ng mga bangko at insurance firms na may hawak ng accounts ng mga Duterte-Carpio.
Inaasahan din ang pagdalo ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue para talakayin ang kanilang income at mga kaugnay na tax records.
Layunin ng mga pagdinig na mailahad ang financial records upang makatulong sa pagbuo ng mas kumpletong larawan ng kanilang mga ari-arian.
Samantala, sinabi ng prosecution na may nauna nang ruling ang Impeachment Court na nagpapahintulot sa pagpapalabas ng AMLC records sa pamamagitan ng subpoena.