Mariing pinabulaanan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang mga naging pahayag ng Chinese scholars na nagsasabing bahagi ng China ang mga isla ng Batanes.
Ayon sa NHCP, gaya ng mga kumalat na post sa social media noong 2025 tungkol sa Palawan, ang claims ng mga Chinese scholars ay walang makatwirang batayan.
Sa claim ng mga Chinese scholars na ang Batanes ay “natural geographic extension ng Taiwan”, ito ay kinontra ng NHCP.
Anila, makikita sa kasalukuyang satellite and oceanographic data ng Pilipinas at ng ibang bansa ang continuous shelf ng Northern Luzon sa Babuyan at Batanes Islands at sa ilang parte ng Taiwan archipelago.
Sinabi pa ng NHCP na batay sa pinakamaagang kilalang malawakang dokumentasyon sa mga Isla ng Batanes na ginawa ng British Explorer na si William Dampier noong 1687 ay walang nabasang anumang bakas ng pamamahala ng China sa Batanes.
Kaisa ng NHCP ang mga mamamayan ng Batanes sa pagpapahayag ng kanilang katapatan sa Pilipinas, na nananatiling tapat sa ating Konstitusyon.