PNOC
Upang mas mapalakas ang petroleum storage sa bansa, lumagda ng isang Memorandum of Understanding ang Philippine National Oil Company (PNOC) katuwang ang Maharlika Investment Corporation (MIC) para sa pagpapatayo ng Bataan Petroleum Storage Project.
Ayon kay MIC President and CEO Rafael Consing na layon ng kanilang MOU ay upang makatulong ang MIC sa pagpapalawak ng supply ng petrolyo sa bansa sa pamamagitan ng pagpopondo ng nasabing proyekto sa tulong na rin ng pribadong sektor.
Nagpasalamat naman ang PNOC sa MIC sa pagbibigay ng inisyatibo na makatulong sa pagpapalawak ng storage capacity ng petroleum products sa bansa.
Target na matapos ang nasabing proyekto sa taong 2028. | ulat ni Aj Ignacio