Inaasahang dadalo si Senador Rodante Marcoleta sa pagdinig ng kaniyang kasong plunder sa Sandiganbayan 3rd Division bukas.
Ayon kay CIDG-National Capital Region Chief Police Colonel John Guiagui, sinuri muna ng mga doktor sa Philippine General Hospital o PGH ang medical records ng senador mula sa PNP General Hospital bago isinagawa ang mga laboratory medical examinations.
Kabilang dito ang 2D Echo, X-ray, Complete Blood Count o CBC, respiratory assessment, at physical examination.
Sinabi ni rin ni Guiagui na kinausap niya ang head ng UP-PGH at sinabing “fit” si Marcoleta para humarap sa pagdinig sa Sandiganbayan bukas.
“So far so good. Hihintayin na lang natin yung medical evaluation niya na on paper, on document. But as far as doon sa pag-uusap namin kanina, ay fit siyang maipresenta bukas sa Sandiganbayan by 8:30 in the morning,” ani Guiagui.
Nabatid na isinagawa ang panibagong medical examination bilang pagsunod sa kautusan ng Sandiganbayan na magsagawa ng third-party assessment sa kalagayan ng senador.
Inaasahang ihaharap si Marcoleta sa Sandiganbayan bukas ng alas-8:30 ng umaga. | ulat ni Diane Lear