Photo courtesy of Pres. Bongbong Marcos/FB
Eksakto 5:27 ngayong hapon (July 14) nang mag-take off ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Changi International Airport.
Para ito sa tatlong araw na working visit ng pangulo sa Singapore.
Isa sa mga inaabangan sa pagbisitang ito, anf pakikipagpulong ng Pangulo kay Singaporean Prime Minister Lawrence Wong, upang talakayin ang bilateral trade, healthcare, at environmental protection ng Pilipinas at Singapore.
Habang wala sa bansa si Pangulong Marcos Jr., sina Executive Secretary Ralph Recto, Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, at Labor Secretary Francis Tolentino ang itinalaga bilang caretakers ng pamahalaan.