Photo courtesy of Agri Tayo SOCCSKSARGEN
Sinimulan na sa Lambayong, Sultan Kudarat ang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP) Distribution Caravan para sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa unang araw ng programa, umabot sa 2,111 benepisyaryo mula sa limang barangay ang nakatanggap ng kabuuang ₱4,908,075 na tulong pinansyal.
Kabilang sa mga nakinabang ang mga residente ng Barangay New Cebu, Caridad, Poblacion, Tinumigues, at Pinguiaman.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), bahagi ang programa ng patuloy na paghahatid ng pamahalaan ng mga tulong at serbisyong naglalayong palakasin ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa SOCCSKSARGEN.