Photo courtesy of DSWD Secretary Rex Gatchalian Facebook
Nakatakdang pangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang ASEAN High-Level Conference sa Social Protection sa susunod na linggo, July 21-22.
Pangungunahan ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, na kasalukuyang Chair ng ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC), na inaasahang dadaluhan ng mga kinatawan ng ASEAN Member States at iba pang development partners, eksperto, academe, at civil society organizations.
Ayon sa DSWD, layon ng conference na palakasin ang mga social protection system sa rehiyon para maging mas inclusive, at mas matatag sa harap ng iba’t ibang hamon.
Kabilang sa tatalakayin sa dalawang araw na pagpupulong ang pagpapalawak ng digital transformation sa paghahatid ng social protection, pagpapahusay ng integrated beneficiary databases, at digital payment systems, sustainable financing, community-based approaches, at pagpapalakas ng regional cooperation.
Itatampok rin ng Pilipinas ang mga programa ng DSWD kabilang ang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan–Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS).