Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na lalo pang tinututukan ngayon ng pamahalaan ang pag-develop at pagpapaganda pa sa National Academy of Sports (NAS) kasunod ng naging inspeksiyon dito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, naniniwala si Pangulong Marcos sa malaking potensiyal ng mga atletang Pinoy partikular ang paghubog sa mga batang atleta, upang mas mabigyan sila ng mas mataas na tiyansa na maka-abante hindi lang sa national kung hindi sa world stage ng iba’t ibang larangan sa palakasan.
Isang napakalaking hakbang din ito upang suportahan sa pamamagitan ng isang boarding school for sports na ginagampanan na ng National Academy for Sports ang elite athletes ng bansa, mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na mas malinang pa ang kanilang mga kakayahan at potensiyal.