Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magagamit ni bagong Department of Health (DOH) Secretary Jose Pujalte Jr. ang kanyang malawak na karanasan sa pamumuno sa DOH.
Ayon sa Pangulo, naniniwala siyang bitbit ni Pujalte ang mahigit tatlong dekadang karanasan nito sa pampublikong pangangalagang pang kalusugan para sa kanyang gagawing pamumuno sa Kagawaran.
Malaking responsibilidad sabi ng Pangulo ang naghihintay kay Pujalte bilang Secretary of Health, at kumpiyansang maihahatid nito ang kanilang parehong mithiin para sa mga Pilipino.
Ito ay ang maipagkaloob ang mga serbisyong medikal sa mas maraming mamamayan sa buong bansa at maging mas abot-kamay ng bawat Pilipino ang de-kalidad na serbisyong pang kalusugan.
Si Pujalte ay pormal nang nanumpa kahapon, bilang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan kay Pangulong Marcos kapalit ng nagbitiw na si Ted Herbosa.