Nanindigan ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na hindi mapapatid ang suporta nito sa National Academy of Sports (NAS) at sa iba pang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa sports development ng bansa.
Ayon kay BCDA President and CEO, Engineer Joshua Bingcang, patuloy ang isinasagawang development ng BCDA sa mga pasilidad ng NAS upang maging mas kapaki-pakinabang ito sa mga atletang Pinoy.
Sa ngayon fully-operational na ang Phase 1 ng NAS project na sumasaklaw sa academic at administrative buildings at multi-sports gymnasium.
Nasa 98% naman nang tapos ang Phase 2 na kukumpleto sa gymnastics hall, staff residences at sports performance building habang isinasaayos na ang Phase 3 na bubuo naman sa 5-storey student athlete’s dormitory at dining hall.
Ibinahagi rin ni Engr. Bingcang ang pina-plano ng University of the Philippines at Philippine Sports Commission na pagtatayo ng kauna-unahang Sports University sa Pilipinas.