Dumating na sa courtroom ng Sandiganbayan 3rd Division sina Senator Rodante Marcoleta at mga kapwa akusado na sina dating Cong. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Pinahaharap sila ng anti-graft court para sa pagdinig sa lagay ng kalusugan ng senador at para sa posibleng arraignment at pre-trial ng tatlo niyang kapwa akusado.
Unang dumating bandang 7:59AM sina Defensor, Espiritu at Viray na mula sa QC Jail Male Dormitory sa Payatas.
Kapwa nakasuot ang mga ito ng dilaw na PDL uniform at gwardyado ng mga tauhan ng BJMP.
Naka-wheel chair pa rin naman nang dumating sa Sandiganbayan si Sen. Marcoleta. Siya rin ay naka bullet proof vest at bantay sarado ng mga tauhan ng PNP CIDG.
Una nang inatasan ang UP-Philippine General Hospital (UP-PGH) na iulat sa korte ang resulta ng independent medical examination kay Marcoleta, kahapon.