Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na paspasan na ang konstruksiyon nito sa ₱20.544 bilyong Balog-Balog Multi-Purpose Project Phase II.
Ang kautusan ay ginawa sa gitna ng pagnanais ng Punong Ehekutibo na mapakinabangan na ng mga magsasaka sa Central Luzon ang nasabing proyekto.
Sa sandaling matapos ang proyekto, inaasahang magbibigay ito ng patubig sa 34,410 ektarya ng sakahan habang nasa 21,776 na mga magsasaka ang makikinabang.
Sinasabing makalilikha din ang proyekto ng 43.5 megawatts ng renewable energy para sa mga lalawigang nasa Gitnang Luzon gaya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.