Photo courtesy of Executive Secretary Ralph Recto Facebook
Patuloy na dumaraan sa masusing pagsusuri ang panukalang budget para sa susunod na taon.
Ito ang binigyang diin ni Executive Secretary Ralph Recto sa gitna ng aniya ay mahigpit na bilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pawang mga programa lang na pakikinabangan ng mamamayan ang paglalaanan ng kaukulang budget.
Ayon kay Recto, nais ng Pangulo na masigurong tugma sa programa ng pamahalaan ang mga nakalatag na planong proyekto na isasama sa panukalang gastusin.
Mga proyekto lamang aniya na siguradong mabilis at walang sagabal sa implementasyon ang bibigyan ng prayoridad.
Nitong nakaraang July 9 ay iprinisenta ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim de Leon ang nilalaman ng 2027 National Expenditure Program na isinumite naman sa Pangulo, nitong nakaraang Biyernes.