Posibleng umabot sa dalawan daan libo kada araw ang mga pasaherong babiyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange para sa Undas.
Ayon sa pamunuan ng PITX sa ngayon umaabot na sa 180 thousand kada ang araw naitatala ng pasahero pero dahil sa marami ang inaasahang uuwi sa mga probinsya posibleng madagdagan ng 20,000 pasahero ang bumyahe.
Tiniyak naman ng PITX na magiging maayos ang terminal sa mga pasahero at may sapat ding bus para sa byahe.
Iinspeksyunin din ng Land Trasportation Officr ang mga bus na bbyahe upang tiyakin na ito ay road worthy at magsasagawa rin ng drug testing sa mga drayber. | ulat ni Louisa Erispe