Mahigit 700 magsasakang miyembro ng iba’t-ibang irrigators associations sa mga bayan ng Kabacan at Matalam, Cotabato ang nakinabang sa Tulong Panghanapbuhay para sa mga Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment o DOLE.
Isinagawa ang contract signing at orientation para sa mga benepisyaryo sa pangunguna ng National Irrigation Administration–Kabacan River Irrigation System o NIA-KABRIS, katuwang ang DOLE Region XII.
Ayon sa NIA-KABRIS, layunin ng programa na magbigay ng pansamantalang hanapbuhay at dagdag na suporta sa kabuhayan ng mga magsasaka.
📸 PIA Cotabato Province