Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Ibinahagi ng isang mambabatas ang kanyang karanasan nang makatrabaho si ngayo’y Department of Health (DOH) Secretary Dr. Jose Brittanio “Brix” S. Pujalte, Jr.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, inalala ni Iloilo First District Representative at dating DOH Secretary Rep. Janette Garin ang panahon na kanilang ipinaglalaban ni Sec. Pujalte na huwag i-privatize ang Philippine Orthopedic Center (POC).
Ayon kay Rep. Garin, ramdam niya noong mga panahon na iyon ang serbisyo publiko at dedikasyon ni Sec. Pujalte sa mga pasyente.
Aniya pa, welcome para sa kanya ang pagkakatalaga kay Sec. Pujalte dahil kaakibat ng kanyang liderato ay ang kanyang “listening ear” at “big heart”.
Sinabi rin ng kongresista na ang mga katangiang ito ang maaaring makapagbuklod sa buong Kagawaran, na siyang kailangan ngayon ng sambayanang Pilipino.
Inihayag din ni Rep. Garin na inaasahan nila na sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Pujalte ay mapupuntahan ang mga lugar dito sa Pilipinas na nangangailangan ng agarang serbisyong medikal.