Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Welcome sa citizen watchdog group na Bantay Senado ang pagbabawas ng mga saksi mula sa House Prosecution Team kaugnay ng Article IV ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Nakatutok ang Article IV sa naging pagbabanta ni Vice President Duterte laban kina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service, binalikan ni Bantay Senado co-covenor Carlo Flores ang naging pahayag ni House private prosecutor Atty. Lorna Kapunan nitong Martes kaugnay ng hindi na paglalatag kina Atty. Zuleika Lopez, chief-of-staff ni Vice President Duterte, at House Legislative Security Bureau Executive Director Capt. Belinda Bello bilang mga saksi.
Ayon kay Flores, makahalaga ang naging hakbang na ito upang mabilis na “maka-move on” na ang Pilipinas sa paglilitis.
Aniya pa, nakikita ng Bantay Senado ang lawak ng karanasan ng mga private prosecutor sa likod ng desisyong ito at mukhang “excited” na silang makausad sa susunod na bahagi ng paglilitis, gaya ng pagtutok sa tinatawag na “BIR box”.
Kaugnay naman ng “BIR box”, sinabi ni Flores na kanilang wine-welcome ang anumang ebidenya na susuporta sa transparency at hindi itinatago sa teknikalidad ng batas.