Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang deputation o pagbaba ng law enforcement agencies, at iba pang tanggapan ng pamahalaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), upang tumulong sa pagsisiguro ng isang maayod at mapayapang halalan sa rehiyon, sa September.
Sa ilalim ng Memorandum Order No. 48, na pirmado ng pangulo, unang araw ng July, nakasaad ang pag-apruba ng pangulo sa pagpapakalat ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at iba pang government agencies, sa rehiyon, para sa eleksyon.
Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ng Commission on Elections’ (COMELEC).
Inatasan din ng pangulo ang concerned agencies na makipag tulungan sa COMELEC, sa pagtupad ng kanilang tungkulin, alinsunod sa nga regulasyon.
Kung matatandaan, ang unang regular na eleksyon para sa Bangsamoro Government September 14, 2026. | ulat ni Racquel Bayan