Batid ng pamahalaan ang mga hamong kinakaharap ng mga Pilipinong marino, lalo na ngayon nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East.
Sa graduation ng Philippine Merchant Marine Academy, siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palaging handang tumulong ang gobyerno sa Pinoy seafarers na nalalagay sa alanganin.
Batid din aniya ng gobyerno ang kinaharap na hamon ng global certification ng Filipino seafarers na muntik mawalan ng bisa sa Europa at naglagay sa alanganin sa trabaho ng libo-libong Pilipinong marino.
Ayon kay Pangulong Marcos, agad itong inaksyunan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pinalakas na pagsasanay, at sistema ng pagtuturo na sumusunod sa international standards.
Dahil dito, kumpiyansa si Pangulong Marcos na patuloy na kikilalanin ang husay ng Filipino seafarers sa buong mundo.
“Through these efforts, we will continue to safeguard the global employability of Filipino seafarers. At the same time, we will uphold the highest international standards in our maritime education, training, and certification system.” —Pangulong Marcos Jr.
Bilin ni pangulo sa mga nagtapos, palaging galingan, mamuno nang may kababaang-loob at magsilbi nang mayroong integridad saanman sila dalhin ng kanilang propesyon.
“You are respected because you consistently show competence, professionalism, dedication. More importantly, you have earned the trust of the international community. But this reputation is not permanent. It must be earned by every generation.” –Pangulong Marcos Jr. | via Racquel Bayan