Lumapit ang isang teenager na babae sa Lawyers for Commuters Safety and Protection upang idemanda ang isang tnvs driver na diumano hinalay siya sa sasakyan.
Ang tnvs driver ay accredited ng isang Transport Network Company.
Nangyari ang rape ayon sa complainant noong May 8, 2026 sa Quezon city.
Ang driver ay sinuspindi lamang ng TNC noon nagsumbong ang biktima sa TNC.
Pero Ayon sa LCSP Sapat na ba na parusa ang suspension sa isang akusasyong rape.
Depensa ng driver ay hindi daw nangyari ang paratang sa kanya. Siya daw ang niyaya ng pasahero.
Pero maliwanag ang salaysay ng biktima kung paano siya hinalay ng TNVS driver at Wala naman relasyon ang pasahero sa driver para yayain siya.
Doon lamang din sila nagkita noong nagbook ang pasahero.
Kaagad pinagbigay alam na ng LCSP sa LTFRB ang pangyayari. At idudulog din nila ito sa LTO at nag sampa na rin ng demandang rape sa Quezon city Prosecutor’s Office ang driver.
Naniniwala ang LCSP na Marangal ang hanapbuhay bilang TNVS driver. Pero dapat din tingnan ang ganitong sumbong para pagnapatunayang may pananagutan ang driver ay makulong ito at mapatawan din ng penalty ang TNC kung mapatunayang may kapabayaan ito sa pag accredit sa ganitong klaseng driver. | ulat ni DK Zarate