Personal na binisita ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. (July 17) ang burol ng motorcycle rider na si Fabio Norberte Jr. upang ipaabot ang pakikiramay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naulilang pamilya nito.
Sa kaniyang pagbisita, nakiramay si Abalos sa mga mahal sa buhay ng biktima at sinigurong hindi sila pababayaan ng pamahalaan sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
Nagpaabot din ang kalihim ng tulong sa pamilya at nakipag-usap sa mga kaanak ng nasawi upang alamin ang kanilang agarang pangangailangan.
Binigyang-diin din ni Abalos na dapat managot ang responsable sa pagkamatay ni Norberte.
Makakaasa aniya ang pamilya na paiiralin ng gobyerno ang hustisya.
Bukod dito, nangako si Abalos ng personal na suporta para sa anak ng biktima na mayroong espesyal na pangangailangan. | ulat ni Racquel Bayan